Pinaalalahanan ng pamunuan ng Taytay sa Rizal ang lahat ng mga tricycle driver sa naturang bayan na simula pa noong Lunes ay pinapayagan na nila ang pamamasada hanggang alas-10:00 ng gabi.
Ayon kay Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula, ang naturang hakbang ng Local Government Unit (LGU) ay upang may dagdag na masasakyan ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR) at frontliners sa naturang bayan.
Paliwanag ng alkalde, nakarating sa kaniyang tanggapan na maraming mga manggagawa ang naglalakad na lamang dahil walang masakyang tricycle, kaya’t pinapahintulutan na nitong pumasada ang mga tricycle driver hanggang alas- 10:00 ng gabi para makatulong na rin sa mga empleyadong walang masakyan.
Giit ni Gacula, tanging ang mga rehistradong tricycle lamang ang pinapayagang pumasada.