MGA TRICYLCE DRIVER SA TUGUEGARAO CITY, BINALAAN SA PAGGAMIT SA INNER LANE

Muling nagpaalala ang mga kapulisan ng Tuguegarao City sa mga tricycle drivers na dapat sa outer lane sa mga national road o highway lamang dumaan.

Kaugnay nito, nakatakda ang Tuguegarao City Police Station na maglagay ng mga karatula sa mga lansangan sa lungsod na nagsasabing ang other lane ay nakalaan para daanan ng mga tricycle at bawal gamitin ang inner lane bilang paalala.

Makikipagtulungan din umano ang mga kapulisan sa pamunuan ng LGU Tuguegarao City para sa naturang programa at makikipag dayalogo sa mga asosasyon ng FETODA ukol sa muling pagpapatupad ng kautusan.

Taong 2019 ng magkaroon ng ordinansa sa Tuguegarao City na nagbabawal ang mga tricycle na dumaan sa inner lane ng lungsod.

Matapos maipaskil ang bagong kautusan ay muling manghuhuli ang kapulisan sa mga tricycle driver na lalabag sa nasabing ordinansa.

Maaga ng naglalabas ng abiso ang kapulisan sa mga tricycle drivers sa lungsod upang iparating ang naturang kautusan.

Facebook Comments