Mga tripulante ng MV Olympia, sinigurong maililipat ng isolation facility

54

Mayroon nang pagdadalhang Isolation facility at na-coordinate na rin sa ilang pagamutan ang mga dadalhing tripulante ng MV Olympia na nakadaong ngayon sa Maynila.

Sa laging handa public press briefing, sinabi ni Bureau of Quarantine Director Roberto Salvador na naakyat na ng kanilang mga tauhan ang nasabing barko.

Lulan ng MV Olympia ang ilang Filipino seafarers na positibo sa COVID-19 kung saan ang isa nilang kasamahan ay nasawi pa.


Ayon kay Dir. Salvador, importanteng mai-coordinate muna ng manning Agency ang pagdating ng mga tripulante gayundin, ang pagdaong ng barko upang mailatag ang lahat ng mga protocols.

Tiniyak nito na prayoridad nila ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga seafarers.

Facebook Comments