Mga truck, bawal munang dumaan sa Nagtahan flyover sa loob ng 7 buwan

Nag-anunsyo ang Department of Public Works and Higway o DPWH na pitong buwan na bawal munang dumaan sa Nagtahan flyover sa Maynila ang mga truck.

Kaugnay ito ng isasagawang major repairs sa nasabing tulay.

Bunsod nito, isang lane lamang ang bubuksan sa Nagtahan flyover at ito ay para sa light vehicles lamang.


Ang light vehicles lamang din ang papayagan na dumaan sa Nagtahan service road.

Ang naturang repair ay matatapos sa Abril ng susunod na taon.

Facebook Comments