Mga truck, ipagbabawal munang dumaan sa Padre Burgos Avenue simula ngayong araw

Inabisuhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang lahat ng mga truck na hindi muna sila papayagang dumaan sa kahabaan ng Padre Burgos Avenue hanggang sa tulay.

Ito’y dahil sa gagawing safety inspection sa nasabing kalsada.

Kaugnay nito, inabisuhan ng Manila Traffic and Parking Bureau ang mga truck driver na maghanap na muna ng mga alternatibong ruta para hindi maabala ang kanilang biyahe.


Ang mga truck naman na magmumula sa Roxas Blvd. na dadaan sa Padre Burgos Avenue patungong Quezon Blvd. at Quiapo ay maaring kumanan sa Finance Road hanngang makarating ng Ayala Blvd.

Matapos nito ay dumiretso sila sa Ayala Bridge at kumaliwa sa Carlos Palanca Street patungo sa kanilang destinasyon.

Ayon sa Manila LGU, ang ikakasang inspeksyon sa Padre Burgos Avenue ay regular na ginagawa upang masiguro na ligtas at walang problema ang naturang kalsada lalo na’t ito ang malimit na dinadaanan ng mga truck patungong pier at palabas ng Maynila.

Facebook Comments