Mga truck ng PCG, nakaantabay na sa posibleng paglilikas sa mga residente sa paligid ng Taal Volcano

Photo Courtesy: PCG

Nakaantabay na ang dalawang truck ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Batangas para sa posibleng paglilikas sa mga residente sa paligid ng Taal Volcano.

Sa ngayon, patuloy ang pagpapatrolya ng PCG Sub-Station Talisay at PCG Sub-Station San Nicolas para “force evacuation” sa lahat ng mga mangingisda at fish cage workers sa Taal Volcano Island.

 

 

Nakadeploy na rin ang iba pang mga tauhan ng PCG para mabantayan ang sitwasyon at ang mga susunod pang aktibidad ng Bulkang Taal.


Sa ngayon, nananatili namang normal ang pamumuhay ng mga residente sa paligid ng bulkan.

Facebook Comments