Mga Tsinong ilegal na nagtatrabaho sa Pilipinas, hindi kinukunsinte ng China

Aminado si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na may mga kababayan siyang ilegal na nagtatrabaho sa Pilipinas.

Pero giit ni Zhao, marami rin namang Pilipino ang ilegal na nagtatrabaho sa China.

Aniya, sadyang may problema lang ang Pilipinas kaugnay sa illegal foreign worker.


May koneksyon aniya ito sa batas ng bansa pati sa pagsusumikap ng pamahalaan na mapigilan ang mga dayuhan na ilegal na magtrabaho sa Pilipinas.

Kasabay nito, umapela si Zhao ng konsiderasyon para sa Tsino tulad ng ginagawa nila sa mga Pilipinong ilegal na namamasukan sa China.

Tiniyak rin ni Zhao na hindi nila hinihikayat ang kanilang mga kababayan na ilegal na magtrabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments