Mga tsuper, malaki ang bubunuing gastos upang makapamasada muli ayon sa grupo

Inihayag ng isang grupo ng mga transport operators na malaking gastos ang binubuno ng mga driver at operators sa pagpapaganda ng kondisyon ng kanilang mga jeepney unit.

Ito idinahilan ng Liga ng Transport Operators ng Pilipinas (LTOP) sa likod ng hindi lahat ng jeep ay agad na nakakabalik sa pamamasada.

Kasunod na rin ito ng plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa pagbubukas ng mga karagdagan pang ruta.


Ayon kay LTOP national president Orlando Marquez Sr., malaki ang gastusin sa mga parts ng jeep at ang general rehabilitation nito kaya kokonti pa lang ang nakabalik sa ngayon.

Lumabas kasi sa mga datos ng LTFRB na maraming jeep ang hindi nakabiyahe dahil sa paso na ang kanilang prangkisa o kaya dahil sa hindi ba makabiyahe bunsod ng kakailanganing gastos para rito.

Facebook Comments