Mga tsuper na maniningil ng sobra-sobra sa pasahe, mananagot sa Manila LGU

Muling binalaan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga tsuper ng mga tricycle at e-trike na maniningil ng sobra-sobra ngayong simula ng transport strike.

Nabatid na may ilang pasahero ang nagrereklamo na may ilang tricycle at e-trike na naniningil ng ₱100 kada isa.

Giit pa ng ilang mga pasahero, karamihan ng mga tricycle ay mga kolorum kung saan kahit malapit ang lugar na pupuntahan ay hindi pa rin binababa ang presyo.


Dahil dito, pinapayuhan ang lahat ng mga pasahero na nakakasalamuha ng mga ganitong uri ng tsuper na isumbong kaagad sa mga tauhan ng Manila Traffic and Traffic Bureau (MTPB) para mabigyan ng kaukulang parusa.

Muling iginiit ng lokal na pamahalaan ng Maynila na hindi nila kukunsintihin ang mga ganitong uri ng pananamantala saka inihayag na ang mga e-trike na nasa ilalim ng Libreng Sakay Program ay mamayang hapon pa ipapakalat kaya’t sigurado sila na hindi ito nagmula sa Manila Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments