Mga tsuper ng jeep, dismayado sa ikatlong taas-presyo sa petrolyo pagpasok pa lang ng 2024

Dismayado na naman ang mga tsuper ng jeep sa sunod sunod na taas-presyo ng produktong petrolyo ngayong buwan.

Kung maalala ngayong buwan lamang ng Enero ay tatlong beses na nagkaroon ng umento sa presyo ng langis.

Sa panayam ng RMN Manila kay Roger Macacero, jeepney driver, sinabi nitong nakakadismaya ang handog na salubong ng bagong taon para sa kanilang mga pumapasada.


Aniya, dumagdag pa ang price increase sa kanilang gastusin sa pagpapaganda sa kanilang mga unit matapos silang magpa-consolidate para sa PUV modernization.

Sa ngayon, todo ang kanilang panawagan sa pamahalaan upang bigyan sila ng oil subsidy para mairaos ang kanilang pang araw araw na gastusin na kinukuha sa kanilang pamamasada.

Facebook Comments