Mga tsuper ng taxi at bus, malabo pa sa ngayon na maisama sa fuel subsidy ng pamahalaan

Aminado ang Land Transportation and Franchising Board (LTFRB) na tali ang kanilang kamay para bigyan din ng fuel subsidy ang iba pang tsuper tulad ng mga taxi at bus driver.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni LTFRB Regional Director for National Capital Region Atty. Zona Russet Tamayo na alinsunod kasi sa probisyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN Law) ang mga driver ng jeepney lamang ang espesipikong nakalagay para bigyan ng fuel subsidy kapag hindi napigilan ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Gayunpaman, sinabi ni Tamayo na pinag-aaralan na rin ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB na sakaling magtuloy pa ang pamimigay ng fuel subsidy sa susunod na taon ay magkaroon din ng iba pang paraan para matulungan din naman ang mga taxi at bus driver.


Sa ngayon aniya ay naghihintay lamang sila kung mabibigyan muli ng pondo para sa subsidya.

Facebook Comments