Nagbigay ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga tsuper na apektado ng ipinapatupad na enhance community quarantine.
Nasa isang sakong bigas na may bigat ng 25 kilo ang ibinigay sa mga kasaping drayber ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at Pangkalahatang Sangguinang Manila and Suburbs Driver’s Association (PASANG MASDA).
Sa tulong ng Manila Parking and Traffic Bureau (MTPB), ipinimahagi ang mga sako ng bigas sa mismong tahanan ng mga drayber.
Matatandaang sinuspinde ng pamahalaan ang lahat ng pampublikong transportasyon sa buong Luzon sa gitna ng ipinapatupad na ‘Enhanced Community Quarantine’ sa rehiyon kaya’t nananatili ang mga tsuper sa kani-kanilang bahay.
Samantala, inihayag ni manila department of social welfare Director Ma. Asunsion Fugoso na
kasalukuyang naka- lockdown ang mga pasilidad ng Manila Boystown Complex at Manila Youth Reception Center (MYRC) bilang pag-iingat sa kalusugan ng mga namamalagi rito, lalo na sa mga may edad at may sakit.
Nabatid kasi na sa Boystown, mayroong Home for the Aged at nasa 300 ang mga lolo at lola kasama ang nasa 400 na kabataan.
Habang sa MYRC ay mayroong 200 na kabataan kung saan napag-desisyunan nila na i-lockdown ang mga ito para hindi makapasok ang may sakit at hindi din makahawa lalo na ang mga matatanda.