Mga tulong ng mga opisyal ng gobyerno at mga NGO, dumagsa sa Marikina City

Labis na ikinagalak ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa mga donasyong ibinibigay ng iba’t ibang opisyal ng gobyerno, private citizen at Non-Government Organization (NGO) makaraang salantain ng Bagyong Ulysses ang lungsod ng Marikina.

Ayon kay Mayor Teodoro, natutuwa siya sa ipinakitang kagandahang loob ng mga Pilipino at ang pagiging bayanihan ay likas nang nanalaytay sa dugo ng bawat mga Pilipino sa oras ng kalamidad.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang alkalde sa kahat ng mga tumutulong gaya ni Senadora Riza Hontiveros na nakatakdang magtungo sa Marikina City upang magbigay ng saku-sakong mga bigas sa mga residente na lubhang naapektuhan ng bagyo.


Nakatakdang makipagpulong si Senadora Hontiveros upang ipaabot ng personal kay Mayor Teodoro ang kanyang taus-pusong pakikiisa sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo kung saan magbibigay siya ng donasyon sa mga lubhang nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Marikina City.

Facebook Comments