Mga tulong pinansyal mula sa Gobyerno ngayong may krisis, inilahad sa ikalawang report ng Pangulo ukol sa implementasyon ng Bayanihan Act

Puspusang ginagawan ng paraan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang epektibong pamamahagi ng 5,000 hanggang 8,000 na tulong sa mga mahihirap na pamilya.

Isa ito sa laman ng 22-pahina na ikalawang report ni pangulong rodrigo duterte sa kongreso ukol sa pagtugon ng Gobyerno sa COVID-19 crisis batay sa Bayanihan to Heal as One Act.

Ayon sa report, hawak na ng dswd ang 100 bilyong pisong budget para sa isang buwan implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP).


Sa naturang halaga ay 16.3 billion pesos na ang nailabas ng DSWD at naipadala sa accounts ng higit 3.7 million na benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Binanggit din ng Pangulo sa report ang planong pagkakaloob ng 5-thousand na emergency relief package sa agrarian reform beneficiaries.

Ayon sa report ay mag-uumpisa na rin ang pagbibigay ng cash assistance sa 333,000 na tsuper sa ilalim ng programa ng Dopartment of Trnsportation (DOTr) at Land Transpsportation Frnchising and Regulatory Board (LTFRB).

Binigyang diin naman sa report na nagpapatuloy pa rin ang pamimigay ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng cash assistance sa mga manggagawa na nakahinto ngayon sa trabaho dahil sa umiiral na Enhanced Community Qurantine (DOLE) dulot ng COVID-19.

Facebook Comments