Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naihatid ng Philippine Navy Ship BRP Dagupan City LC551 sa Basco, Batanes kahapon ang mga suplay at donasyon para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Kiko sa Lalawigan.
Ang mga ipinamigay na tulong ay nagmula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, pribadong organisasyon at sa iba pang donors.
Nakiisa naman sa pagbababa ng mga gamit at tulong ang mga tropa mula sa Philippine Marines MBLT-10, mga reservist, CAFGUs, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Batanes Tourguides Association, MJ Marie Construction, Batanes Merchant Services Cooperative, PEO personnel, PDRRMO, at PWSDO.
Samantala, ang lalawigan ng Batanes ay kasalukuyang sumasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magtatagal hanggang October 4, 2021.
Sa pinakahuling datos ng pamahalaang panlalawigan ng Batanes, umaabot na sa 282 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.