Mga tumatanggap ng tara at pasalubong sa Bureau of Customs, binalaan ni incoming BOC Commissioner Isidro Lapeña

Manila, Philippines – Nagbanta si incoming BOC Commissioner Isidro Lapeña sa mga nagpaplanong gumawa ng kalokohan sa loob ng ahensiya lalo na ang mga tumatanggap umano ng tara.

Sa kanyang talumpati sa turn-over ceremony sa tanggapan ng BOC sinabi ni Lapeña na hindi niya kukunsintihin ang sinumang opisyal o empleyado na nasasangkot sa anumang anomalya o kontrobersya sa ahensiya.

Paliwanag ni Lapeña ipatutupad niya sa BOC ang one strike policy katulad ng kanyang ginawa sa iniwan niyang ahensiya ang PDEA kung saan iginiit nito na susuportahan niya ang lahat ng mga opisyal at empleyado kung tama at naayon sa batas ang kanilang ginagawa pero mananagot sa kanya kung sisirain nito ang imahe ng BOC.


Mahigpit din pinagbabawal ni Lapeña ang ” Pasalubong at Tara maging ang No gify and No take Policy” upang maibalik ang tiwala ng publiko sa ahensiya.

Umapila rin ang bagong BOC Commissioner sa mga stakeholders, brokers at mga negosyante na makipagtulungan sa kanyang Administrasyon para isumbong ang mga empleyado gumagawa ng kalokohan sa ahensiya.

Facebook Comments