Tumaas pa ang bilang ng natatanggap na tawag ng National Center for Mental Health (NCMH) mula sa mga kabataan.
Dahil ito sa stress mula sa paaralan at limitadong mga aktibidad dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Agnes Casiño, isang psychiatrist at technical consultant, nagsimulang tumaas ang mga tawag sa NCMH crisis hotlines simula ng pumasok ang pandemya noong 2020.
Maituturing naman itong nakakabahala dahil karamihan sa mga tumatawag na kabataan ay nasa adolescence age.
Sa ngayon, panawagan ni Casiño sa mga magulang na tulungan ang mga bata na maipahayag ang kanilang nasa saloobin katulad ng takot at kalungkutan.
Facebook Comments