Mga tumatawag sa One Hospital Command, tumaas sa 500 kada araw

Tumaas ang natatanggap na tawag ng One Hospital Command, isang referral system para sa healthcare services sa bansa.

Ayon kay Treatment czar at Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega, umabot na sa 500 tawag kada araw ang natatanggap ng One Hospital Command.

Sa gitna ito ng patuloy na pagtaas ng kaso matapos makumpirma ang lokal na hawaan ng Delta variant.


Karamihan sa mga tawag ay nagmula sa Metro Manila habang mayroon din sa mga kalapit na lalawigan.

Sa ngayon, umabot na sa 2,080,984 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos madagdagan ng 20,019 kahapon.

Nasa 20,089 naman ang panibagong gumaling na umaabot na ngayon sa 1,889,312.

Facebook Comments