Mga turista at bakasyunista, maari pa ring magbakasyon sa Albay at Tagaytay kahit nag-aalboroto ang Bulkang Mayon at Bulkang Taal ayon sa PHIVOLCS

Hindi ipinagbabawal ang mga turista at bakasyunista na tumungo sa Albay at Tagaytay.

Ito ay kahit pa nag-aalburuto ang Bulkang Mayon at Bulkang Taal.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Officer-in-Charge Dr. Teresito Bacolcol na pinapayagan ang pagpunta sa Albay ng mga turista, lokal man o dayuhan basta huwag lamang papasok sa kasalukuyang 6km permanent danger zone.


Ayon kay Bacolcol, may mga lugar naman sa Albay na maaring makita ang aktibidad ng Bulkang Mayon nang hindi kailangang lumapit pa rito.

Habang sa mga gusto namang mamasyal sa Tagaytay ngayong weekend.

Ligtas naman aniyang pumunta sa Tagaytay, kailangan lamang marunong ang mga tao na protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask para makaiwas makalanghap ng volcanic smog.

Facebook Comments