LINGAYEN, PANGASINAN – Sa kabila ng pagluwag ng borders dahil sa MGCQ status ng Pangasinan. Hinihikayat parin ng mga otoridad ang mga turistang magbabalak pumasok sa probinsiya na magparehistro sa Tara na. Ph.
Ang layunin ng pagpaparehistro dito ay upang magkaroon ng record ang lalawigan sa mga turistang mamamasyal sa probinsya at bilang pagtalima na rin sa pagkakaroon ng contact tracing form.
Saad naman ng Pangasinan Tourism mas maiging magparehistro ng isang linggo bago ang pagbyahe dito sa lalawigan upang maiwasan ang pagka abala.
Samantala, para naman sa mga fully vaccinated individuals ay hinihikayat pa ring magparehistro sa S-PASS AT Tara na.ph at ipresenta na lamang ang vaccination card sa borders.###
Facebook Comments