
Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na dumadagsa ngayon ang mga turista sa Albay.
Sa harap ito ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon sa Albay kung saan maraming turista ang nag-aabang sa pagsabog ng bulkan.
Tiniyak naman ng Tourism Department na ligtas ang mga lugar kung saan maaaring manood ang mga turista ng mga aktibidad ng Mount Mayon.
Pinaalalahanan naman ng DOT ang mga turista sa Albay na mahigpit na sundin ang mga panuntunan ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.
Partikular ang pagbabawal sa pagpasok sa 6-km Permanent Danger Zone.
Patuloy naman ang paalala ng Civil Aviation Authority of the Philippines na iwasang lumipad malapit sa summit ng bulkan.
Ito ay dahil sa mapanganib sa mga eroplano ang abo na ibinubuga ng bulkan.
Facebook Comments










