Mga turista, pinaiiwas muna ng DOT na magbiyahe sa mga lugar na malapit sa Bulkang Taal

53

Pinayuhan ng Department of Tourism (DOT) ang mga turista na ipagpaliban muna ang pamamasyal sa ilang bayan sa Batangas lalo na ang malapit sa Bulkang Taal.

Partikular ang mga bayan ng Agoncillo at Laurel na malapit sa bulkan.


Ayon sa DOT, bukod sa mga turista, mabuting maging ang tourism operators ay lumikas na rin muna matapos na itaas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal dahil sa muling pag-aalburuto nito.

Dapat anilang pahupain muna ang aktibidad ng bulkan para maiwasan ang aksidente.

Facebook Comments