Mga turista sa Middle East, inaasahan na ring dadagsa sa Pilipinas

Inaasahang dadagsa na rin sa Pilipinas ang mga turista mula sa Gitnang Silangan.

Ito ay matapos ang pagpupulong nina Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco at Saudi Vice Minister of Tourism Princess Haifa Al Saud.

Layon nito na mai-promote ang tourist destinations ng Pilipinas at ng Saudi Arabia.


Aalalayan din ng Saudi Arabia ang Pilipinas para magkaroon ang bansa ng Arabic-speaking tour guides, bukod sa pag-develop ng Halal at pilgrimage tourism portfolios.

Gayundin ng pagkakaroon ng karagdagang direct flights mula Saudi Arabia patungong Pilipinas at ang paggawa ng investor directory.

Ang Saudi Arabia ay nangungunang source market ng Pilipinas sa Middle East lalo na’t 800,000 ang mga Pilipino ngayon doon.

Facebook Comments