Mga turistang Chinese, malaking tulong para sa pagbangon ng sektor ng turismo

Para tuluyang makabangon mula sa pandemya ang ating sektor ng turismo ay kailangang magpatuloy ang pagbisita sa bansa kada taon ng malaking bilang ng mga turistang Chinese.

Inihayag ito ni Quezon City Rep. Marvin Rillo makaraang linawin ng Embahada ng China na hindi blacklisted and Pilipinas bilang tourist destination ng mga biyaherong Chinese.

Tinukoy ni Rillo na base sa statistics mula sa Department of Tourism, noong 2019 ay umabot sa mahigit 8.2 milyon ang mga dayuhang bumisita sa bansa.


Sabi ni Rillo, 21.1 percent nito ay pawang Chinese nationals na gumastos ng kabuuang 2 bilyong dolyar sa ating bansa.

Bunsod nito ay ipinaliwanag ni Rillo, na kailangan natin ang Chinese visitors para sumigla ang mga negosyo sa sektor ng turismo na makapagbibigay ng trabaho sa libo-libong mga Pilipino na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Facebook Comments