Mga Turistang Naipit Sa Pagtama Ng 7.8 Na Lindol Sa New Zealand, Inililikas Na

10

NEW ZEALAND – Sinimulan na ang gobyerno ng New Zealand ang paglilikas sa mga turistang naipit matapos tumama ang magnitude 7.8 na lindol dito.Ayon kay Prime Minister John Key, kaagad nilang ini-airlift ang mga turista at residente sa bayan ng Kaikoura na dinarayo dahil sa whale watching.Sa pagtaya ng mga otoridad, mahigit isang libong turista ang naipit sa lugar bukod pa sa halos 200 residente roon.Marami pa ring kabahayan ang walang suplay ng kuryente dahil sa nasabing lindol.

Facebook Comments