Mga turo ng pambansang bayani na si Jose Rizal, magsilbing inspirasyon sa mga kabataan para sa nalalapit na halalan

Umaasa si Speaker Lord Allan Velasco na ang mga kaalaman at turo ng pambansang bayani na si Jose Rizal ay makikinita sa mga kabataan ngayong nalalapit na halalan.

Sa iniwang mensahe ng Speaker ngayong Rizal Day, hiling niya na magsilbing inspirasyon at maimpluwensyahan ang mga kabataan ngayon ng mga ideya at turo ni Rizal para sa pagganap sa malaking papel ng paghubog sa political at social life sa pamamagitan ng pagpili ng mga nararapat na lider ng bansa.

Kinikilala ng mambabatas ang mga kabataan na may malaking potensyal at kapangyarihan na makaimpluwensya sa kinabukasan ng bansa bunsod na rin ng mataas na bilang ng young people sa bansa.


Batay sa data ng Commission on Elections (COMELEC), sa 67 million eligible voters, 52% dito ay kabilang sa 18-40 na age brackets.

Ayon kay Velasco, kilala si Rizal sa adhikain nitong mabigyang kaalaman at kapangyarihan ang mga kabataan na kanyang inilalarawan bilang pag-asa ng bayan.

Mayroon aniyang matatag na paniniwala si Rizal sa henerasyon ng mga kabataan na makapagpapabago sa lipunan at magpasahanggang ngayon ay nananatili pa rin ang paniniwalang ito.

Facebook Comments