MANILA – Nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez sa mga lider ng kamara at mga kongresistang miyembro ng supermajority na tatanggalin ang mga ito sa koalisyon kung hindi susuportahan ang death penalty bill.Pero ayon kay Alvarez, hindi siya nagbabanta kundi talagang tototohanin niya ang kanyang sinasabi sa mga hindi kakatig sa panukala.Aniya, kung hindi lang din papabor sa death penalty bill ay mabuting kusang magresign na lamang ang mga ito sa supermajority.Nakipag-usap na si Alvarez sa mga kongresistang kaalyado sa PDP-laban para sabihin sa mga ito ang party stand sa panukala.Sinabi pa ni Alvarez na isa sa mga posibleng alisin sa supermajority ay si Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo bilang deputy speaker ngayong 17th congress dahil sa pagkontra nito sa panukalang buhayin ang parusang kamatayan.Pero, hindi pa niya nakakausap si CGMA kung saan inatasan na niya si House Majority Leader Rodolfo Fariñas na kausapin ang dating pangulo.Giit ni Buhay Party List Rep. Lito Atienza, posibleng si Alvarez ang mapatalsik kung ipipilit nito ang pagbuhay sa death penalty bill.Sagot naman ni Alvarez, hindi siya natatakot sa bantang kudeta laban sa kanya at wala ring problema kung mawalan siya ng suporta mula sa mga kongresista o mapalitan siya bilang speaker.
Mga Tutol Sa Pagbabalik Ng Parusang Kamatayan, Binalaang Aalisin Sa Pwesto Ni House Speaker Pantaleon Alvarez
Facebook Comments