Manila, Philippines – Binuweltahan ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang mga tumututol sa desisyon ng UP board of regents napag bibigay ng Honorary Doctorate Degree kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Hamon ng presidential son– akuin na lang ng mga tumututol ang nasabing award kung iyon ang gusto nila.
Kung tutuusin aniya, noon pa man ay inaayawan na ng kanyang ama ang mga iginagawad na honorary degree rito dahil para sa pangulo,hindi naman niya ito pinaghirapan.
Dagdag pa ng nakababatang Duterte, wala nang hihigit pang pagkilala sa boto ng mga pilipinong nagluklok sa kanyang ama bilang pangulo ng bansa.
Una rito, mariing tinutulan ni Supreme Court Spokesperson Atty. Teodore Te ang planong pagbibigay ng Honorary Doctorate Degree sa pangulo.
Para kay Te, “offensive” ang pagbibigay ng nasabing parangal sa pangulo na aniya’y hinahayaan lamang ang patayan at “culture of impunity” dahilan para hindi kilalanin ang Rule of Law sa bansa.
Mga tutol sa pagbibigay ng honorary award sa pangulo, binuweltahan ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte!
Facebook Comments