Mga tutol sa postponement ng BSKE, pinayuhan ng COMELEC na magpasaklolo sa Korte Suprema

Hinimok ni Commission on Election (COMELEC) Chairman George Garcia ang mga tutol sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na dumulog sa Korte Suprema.

Ayon kay Garcia, mainam din ng makuha ng mga tumututol sa nasabing postponement ang opinyon ng Supreme Court.

Ito ay bagama’t pirmado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang batas sa pagpapaliban ng Barangay at SK Elections.


Tiniyak din ng COMELEC na nakahanda sakaling maglabas ng temporary restraining order ang Supreme Court.

Facebook Comments