Mga tutuluyang hotels at iba pang lugar na pupuntahan ng ASEAN delegates, off limits sa publiko

Manila, Philippines – Mahigpit ang utos ng national organizing committee na huwag isapubliko ang magiging itinerary ng heads of state na dadalo sa gaganaping 31st ASEAN summit sa bansa.

Kabilang na rito ang mga lugar na pupuntahan nila, mga tutuluyang hotel pati na rin ang paliparan kung saan bababa ang mga eroplanong kanilang sasakyan.

Pero una nang sinabi ng Clark International Airport Corporation na labing dalawang heads of state ang nakatakdang dumating sa nasabing paliparan para sa ilang araw na summit.


Kabilang dito sina Cambodian Prime Minister Hun Sen at Myanmar State Counselor Aung Sang Suu Kyi na dumating na nga kanina.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang sa mga importanteng tatalakayin sa ASEAN summit ay ang regional integration, pagpapalakas sa ugnayan sa kalakalan at ekonomiya pati na rin ang isyu sa West Philippine Sea.

Facebook Comments