Mga tuturukan ng COVID vaccine, bibigyan ng vaccine passport ng gobyerno

Bibigyan ng gobyerno ng vaccine passport ang mga matuturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magkakaroon ng data registry sa lahat ng tatanggap ng bakuna at bibigyan ng QR code kada indibidwal.

Aniya, magsisilbi itong certificate na nabigyan na ang isang indibidwal ng naturang bakuna laban sa nakakahawang sakit.


Sa oras na marami nang nabakunahan laban sa COVID-19, maaaring maging bahagi ng border control protocol na rin ang paggamit ng vaccine passport.

“As we have said in the previous na mga pag-uusap, magkakaroon po tayo ng data registry for all recipients. Magkakaroon ng QR code ang bawat isang tao na makaka-receive ng bakunang ito. This will be something like a unique identifier for specific persons who will receive the vaccine,” ani Vergeire.

Naniniwala naman si Vergeire na magiging bahagi ng border control sa iba’t ibang bansa ang vaccine passport kapag malawakan na itong ipinatupad.

Facebook Comments