Mga TV network at Film Company, susulatan na ng PDEA Para imungkahing magsagawa ng surprise at mandatory drug testing sa mga artista

Pinayuhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga TV networks at mga film outfits na magsagawa ng internal cleansing sa kanilang hanay.

 

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, dapat magkusa ang mga network at film industry na masagawa ng surprise at mandatory drug testing sa kanilang mga artista.

 

Maaari naman aniya itong gawin nang confidential at hindi ilalabas sa publiko ang resulta.


 

Kaugnay nito, susulatan ng PDEA ang mga TV station at film companies o kaya ay idaan sa MTRCB ang liham para pormal na hilingin ang pagsasagawa ng internal cleansing.

 

Handa naman aniya ang PDEA na umasiste sa gagawing drug testing sa pamamagitan ng paglalaan ng testing kits at pagtulong ng kanilang mga tauhan.

 

Una rito, sinabi ng PDEA na nasa 31 artista ang nasa kanilang watchlist.

Facebook Comments