Mga ulat hinggil sa umano’y pananabotahe sa Eleksyon 2022, iimbestigahan ng PNP

Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang mga ulat hinggil sa umano’y pananabotahe sa Eleksyon 2022.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na ganitong ulat subalit nangako itong kukuha ng detalye mula kay Senador Panfilo Lacson na isa sa mga nagsiwalat sa umano’y pananabotahe.

Matatandaang nagbabala sina Lacson at mga kapwa presidential candidates na sina Manila Mayor Isko Moreno at dating National Security Adviser Norberto Gonzales na may pagtatangkang guluhin ang halalan sa isang joint press conference nitong Linggo.


Ngunit kasunod nito ay inamin ni Lacson na beberipikahin pa nila ang naturang ulat.

Samantala, ipinag-utos naman ni Carlos sa mga kapulisan na ituloy ang mahigpit na pagbabantay sa natitirang tatlong linggo bago ang May 9 National Elections.

Facebook Comments