
Pinabulaanan ni Palace Press Office Undersecretary Claire Castro ang mga ulat na ni-raid ang bahay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Castro, galing na mismo kay General Nicolas Torre III na walang ikinasang operasyon para salakayin ang bahay ng dating pangulo.
Kung may gagawin man aniyang raid sa isang bahat ay dapat magpakita ng search warrant mula sa Korte.
Giit ni Castro, gawa-gawa na lamang ito ng kabilang kampo para isipin ng marami na ginigipit ang mga Duterte at makuha ang simpatya ng publiko.
Nauna na ring sinabi ni Torre na hindi raid ang naganap kundi parada para sa homecoming ng isa nilang grupo.
Facebook Comments