
Narekober ng mga awtoridad ang mga umano’y ebidensyang ginamit sa pagpaslang sa policewoman na si PSMS Diane Mollenido sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches sa Quezon City.
Sa ulat ng pulisya, narekober ang mga nasabing ebidensya pasado 7:15 ng gabi kahapon.
Ang mga nakuhang ebidensya ay isang isang unit ng hindi pa natutukoy na brand ng caliber .45, tatlong magasin, isang pocket gun, at 55 rounds ng caliber .45 ammunition.
Bukod dito ay may nakuha ring isang plate number na subject sa Land Transportation Office (LTO) verification.
Ayon sa ulat, pumunta ang mga imbestigador sa bahay ng nanay ng isa sa mga suspek ,ang dismissed na pulis na si Christian Panganiban, kasunod ito ng impormasyon na ibinigay ng kapatid ng nasabing suspek sa pagkakadiskubre sa mga nasabing ebidensya na hinihinalang ginamit sa pagpaslang sa nasawing policewoman.
Kaugnay nito, ang mga nasabing narekober na ebidensya ay dadalhin sa Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) para sa imbestigasyon.










