Ini-imbestigahan na ng Department of Justice ang ilang opisyal ng Bureau of Immigration na isinasangkot sa kontrobersyal na pastillas bribery scheme.
Matatandaan sa pagdinig ng Senado noong Martes, ibinulgar ng whistleblower na si Immigration Officer Jeffrey Dale Ignacio ang pangalan ng kanyang mga superiors sa BI na master mind umano sa pastillas scheme.
Sa interview ng RMN Manila kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, kinumpirma nito na ilan sa mga pangalang ibinulgar ni Ignacio ay empleyado pa rin ng ahensya.
Ang mga ito aniya ay agad na ipinatawag ng administrative division at ini-imbestigahan na ng DOJ.
Kabilang sa mga pinangalanan ni Ignacio ay si Marc Red Mariñas, dating Port Operations Division Chief at utak umano sa pastillas scheme.
Si Erwin Ortañez ng Travel Control And Enforcement Unit (TCEU) overall; head ng Ninoy Aquino International Airport (NAI); Glennford Comia, TCEU Head ng NAIA Terminal 1; Benlado Guevarra, TCEU Head ng NAIA Terminal 2; Danieve “Denden” Binsol, TCEU Head Ng NAIA Terminal 3; Deon Carlo Albao, TCEU Deputy Head ng NAIA Terminal 1; Arlan Mendoza, TCEU Deputy Head ng NAIA Terminal 2 at Anthony Lopez, TCEU Deputy Head ng NAIA Terminal 3.