Mga umano’y reklamo ng kaugnay sa pagpasok sa PUV modernization, iimbestigahan ng OTS

Tiniyak ni Office of Transportation Cooperatives Chairman Andy Ortega na iimbestigahan nila ang mga lumutang na reklamo hinggil sa PUV Modernization program.

Nauna rito, lumabas sa pagdinig ng House Committee on Transportation ang mga reklamo sa Iloilo City at Bacolod City.

Sinasabing may operators ang pumasok na sa consolidation sa kooperatiba pero sa huli ay tinanggal.


Sisilipin ng OTS kung totoo na ang pinanggalingan ng isyu ay hinggil sa problema sa pagmamay-ari ng mga sasakyan.

Aniya, kailangang malaman nila ang buong pangyayari upang matulungan ang mga apektado.

Aalamin ng OTS kung kooperatiba o korporasyon ang mayroon ngayong internal problem.

Ani Ortega, target nila na sa susunod na pagharap nila sa pagdinig ng House Committee on Transportation ay makapagsumite na sila ng inisyal na resulta ng kanilang imbestigasyon.

Aminado si Ortega na batay sa kanilang mga karanasan, karamihan sa mga sumusulpot na programa sa PUVMP ay panloob na problema sa loob partikular ng mga opisyales.

Facebook Comments