MGA UMUWI PARA SA HALALANG PAMBARANGAY AT UNDAS, DINAYO ANG ILANG MGA POOK PASYALAN SA DAGUPAN CITY

Dinayo ng mga umuwi para sa halalang pambarangay at undas ang ilang mga pook pasyalan sa Dagupan City para masulit na rin ang long weekend.
Matapos ang pagsasagawa ng BSKE pati na rin paggunita sa Undas 2023 ay dumeretso naman sa mga tourist areas ang mga tao para makapagpahinga at makasama rin ang kani-kanilang mga pamilya.
Ang ilan sa mga bumisita sa mga beaches gaya sa tondaligan beach, sinulit na ang pagkakataon at isinama ang mga pamilya para makapag-enjoy sa ang long weekend.

Tondo bantay din ang magulang sa mga kasama nilang mga bata lalo na sa mga dumayo sa mga matataong lugar gaya ng beaches at mga malls sa lungsod para maiwasan ang pagkalunod o di kaya ay pagkawala ng mga bata habang sinusulit ang bakasyon.
Buong pwersa naman na nakaantabay ang hanay ng kapulisan katuwang ang MDRRMO, PDRRMO, at mga local health unit para sa seguridad ng mga bumisita sa mga naturang pook pasyalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments