Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kanila nang kakanselahin at idi-dispose o itatapon ang mga hindi na-claim na pasporte na inisyu noon pang Enero ng 2021.
Ayon sa DFA, ito ay alinsunod sa DFA Department Order No. 2021-012.
Pinaalalahanan ng DFA ang mga hindi pa nakukuha ang kanilang mga pasaporte na mayroon na lang silang hanggang Marso 1 ngayong taon para i-claim ito sa DFA Consular Office.
Ang mga hindi pa nakukuha ng mga pasaporte bago ang Pebrero 10 ay dapat maghain ng bagong passport claim pero kailangan nilang kumuha ng certificate of unclaimed passport sa DFA Aseana o DFA Consular Office
Nilinaw naman ng DFA na ang mga pasaporte na nakatakdang ilabas pagkatapos ng Enero 2021 ay hindi apektado ng nasabing kautusan at maaari itong i-claim sa DFA Consular Office kung saan sila naproseso.
Hinimok din ng DFA ang publiko na i-claim ang kanilang pasaporte 30 araw matapos itong i-release.