Plano ngayon ni presidential candidate at Senador Panfilo “Ping” Lacson na magkaroon ng undercover operatives o agent para mahuli ang mga tiwaling empleyado at opisyal sa gobyerno sakaling mahalal siya bilang pangulo ng bansa.
Ayon kay Lacson, ito ang kanyang isa sa nakikitang paraan para tumino ang ilan sa mga kawani at opisyal ng gobyerno na takot na mahuli at maparusahan.
Paliwanag ni Lacson na mas maganda ang ganitong pamamaraan para alisin ang corrupt at walang disiplina sa burukrasya ng gobyerno.
Binigyang diin ni Lacson na matagal na niyang nilalaban ang korapsyon sa limang dekada bilang public servant at ibibigay niya ang responsibilidad na ito sa lehislatura at hudikatura at kanyang tututukan ang tungkulin sa ehekutibo.
Naniniwala si Lacson na kung nakitang maayos at malinis ang executive branch, Judiciary at Legislature tutularan sila ng mga kawani ng pamahalaan.
Kilala si Lacson bilang disiplinado na dating PNP chief, kung saan nalinis niya ang kotong sa kapulisan mula nang kanyang panunungkulan mula taon 1999 hanggang 2001.