Mga undersea features ng Philippine Rise, dapat pangalananan na ng gobyerno

Iginiit ni Senator Francis Tolentino sa National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA na binyagan o bigyan na ng pangalan ang 22 undersea features ng Philippine Rise.

Mungkahi ni Tolentino sa NAMRIA, ibatay sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas ang mga pangalang ibibigay sa nabanggit na undersea features.

Giit ni Tolentino, kailangang agapan ng Pilipinas ang pagbibigay dito ng pangalan upang hindi maagaw ng ibang bansa ang nasabing teritoryo.


Una nang bininyagan ng China ang lima sa 22 undersea features doon nung 2018 na hindi naman kinilala ng Pilipinas.

Ang Philippine Rise na dating tinatawag na Benham Rise ay underwater plateau sa karagatan na nasa bahagi ng lalawigan ng Aurora.

Facebook Comments