Mga unit commander sa NCR, inatasang magpakalat pa ng dagdag na mga pulis para sa pagpapatupad ng health protocol

Magpakalat ng dagdag na tauhan kung kinakailangan.

Utos ito ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa lahat ng unit commanders sa Metro Manila.

Aniya, alam niyang dumami ang mga tao na lumabas mula nang ibaba sa Alert Level 3 sa Metro Manila simula nitong Sabado kaya naman para makontrol pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong lugar at pasyalan ay muli niyang inalerto ang mga pulis.


Mahigpit niya pang bilin sa mga ito na makipag-ugnayan sa kanilang Local Government Units (LGU) at magpakalat ng dagdag na mga tauhan depende sa sitwasyon.

Aniya, kailangang masiguro pa rin kaligtasan ng mga tao dahil baka ito na naman ang pagmulan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR.

Muling nanawagan si PNP chief sa publiko na kung gustong magtuloy-tuloy ang pagbaba ng bilang ng natamaan ng COVID-19, kailangang mapairal pa rin ang disiplina at pagsunod sa mga panuntunan sa ilalim ng Alert Level 3.

Facebook Comments