Mga UP Chancellor na tutol sa pagtanggal ng mga “subversive books” sa UP Libraries, pinagbibitiw na ng mga magulang

Mariing kinondena ng League of Parents of the Philippines o LPP ang mga UP Chancellor na tutol sa pagtanggal ng mga subersibong aklat sa UP Libraries.

Ang kanilang aksyon ayon kay LPP President Remy Rosadio ay nagpapakita lang na sila ay mga supporters ng Communist Terrorist Group na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.

Aniya, ang mga subersibong aklat sa UP Libraries ay hindi para sa sinasabing academic freedom kundi ito ay para i-brainwash ang isipan ng mga inosenteng kabataan.


Hinihiling ng LPP sa UP Chancellors na magbitiw at umalis na sa unibersidad.

Kanila na ring hinimok ang lahat ng magulang na makiisa sa kanila para labanan ang panlilinlang at manipulasyon ng mga ito sa mga estudyante.

Facebook Comments