Nananatiling ligtas mula sa toxic red tide ang mga uri ng lamang dagat na matatagpuan sa bahagi ng Western Pangasinan.
Ayon sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa mga ligtas mula sa toxic red tide ay mariculture areas ng Infanta, coastal waters ng Bolinao, Anda, Alaminos City, Sual, at Wawa, Bani.
Ang mga kalapit na probinsya naman ay nananatili pa rin positibo sa toxic red tide partikular sa bahagi ng Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Tantanang Bay sa Zamboanga Sibugay Province, at Matarinao Bay in Eastern Samar.
Sa kabilang banda, sa Dagupan City malakas ang bentahan ng lamang dagat tulad ng tahong na nasa 50 pesos kada kilo habang 350 pesos naman ang kada kilo ng hipon.
Facebook Comments









