Hinamon ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga US senators na bumisita sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng ginawang pagpasa ng US Senate ng resolusyon na nag-ba-ban sa mga opisyal ng Pilipinas na nasa likod ng pagpapakulong kay Senator Leila De Lima.
Ayon kay Cayetano, “parang hindi well-thought of” ang batas na ito dahil panghihimasok ito sa judicial system ng Pilipinas at mistulang “weaponizing” ang ginagawa ng mga mambabatas.
Kung pupunta sa bansa ang mga mambabatas ng US, mas mabuti na makita mismo ng mga ito ang nangyayari sa Pilipinas na may kaugnayan sa paglaban nito sa droga sa halip na magbase lamang sa mga ulat sa media.
Nagsalita na anya ang Supreme Court ng Pilipinas at sinabing may legal na basehan ang pagkakakulong ni De Lima dahil sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Iminungkahi naman nito na maaaring tumulong sa legal defense ni De Lima.