Wednesday, February 18, 2026

Mga usapin na nakakaapekto sa mamayaan, dapat pagtuunan ni VP Duterte at iba pang lider ng bansa

Ginagalang ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Rido ang karapatan ng sinuman na tumakbo bilang pangulo ng ating bayan.

Reaksyon ito ni Ridon, makaraang ihayag ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2028 elections.

Kaugnay nito ay pinalalahanan ni Ridon ang mga pinuno ng bansa sa kahalagahan na pagtulungang tugunan ang mga batayang usapin na nakakaapekto sa mamamayan.

Pangunahing tinukoy ni Ridon ang usapin sa pagkain, trabaho at kalusugan ng mga Pilipino, gayundin din ang patungkol sa hustisya at pananagutan sa pagpapatakbo ng bansa.

Facebook Comments