Iginiit ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na hindi magpapataw ng dobleng interest para sa mga utang sa ilalim ng Bayanihan 2.
Ayon kay Diokno, babayaran pa rin ang interest dahil hindi pwedeng walang interest sa utang.
Pwede rin aniyang magkaroon ng pag-uusap sa bangko kaugnay sa mas mahabang period ng pagbabayad.
Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, binibigyan ng 60 araw na palugit ang lahat ng humiram sa lahat ng bangko at mga loan association.
Kasama dito ang utang sa GSIS at SSS, utang sa pabahay, car loans, salary loans, credit card payments, at utang sa mga sanglaan.
Facebook Comments