Dagsa pa rin sa mga oras na ito ang nagsasadya at nagbabakasakali sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kung saan ay babyahe sa iba’t ibang probinsya para magdiwang ng Pasko.
Madaling araw pa lang ay talagang marami na ang nagpunta lalo yung mga nag-avail ng 3rd day trip para masiguro na hindi sila mahuhuli sa oras na kanilang schedule.
Sa ngayon ay fully booked na ang pa-byahe sa Bicol Region, Quezon, Bohol, Iloilo, Mindoro, Zamboanga, Baguio at Davao.
Marami naman ang mga pasaherong nagpupunta sa Batangas at Lucena at marami rin naman ang nagsipag-balik ng Metro Manila gaya na lamang ng galing sa Bicol.
Nakadagdag naman ng bilang sa PITX yung mga regular na nag ba byahe kaya sobrang dami sa kasalukuyan at kumpulan sa ibabang bahagi.
Inasahan naman ngayong tanghali o hapon na mas dadami pa ang mga pasahero dahil marami ang bus na darating na babyahe sa gabi.
Pinaalahanan naman lalo na sa mga wala pang ticket at hindi pa nakakapagpa-book ay maaaring magpunta nang mas maaga at sigurado naman na makakasakay pa rin ang mga ito dahil sa mayroon silang extra schedule lalo na sa mga hindi nakabili at nakapagpa-book.