Mga uuwi sa Valenzuela City na galing Cebu City, sasailalim sa quarantine at PCR test

Naglabas ng kautusan ang Valenzuela City Government para sa nga uuwi sa lungsod na galing sa Cebu City na muling isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Base sa direktiba ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela, lahat ng magmumula sa Cebu City ay kailangang sumailalim sa quarantine sa itinakdang isolation facility sa lungsod.

Sasagutin ng Valenzuela City Government ang pagkain at hygiene kit para sa panahong sila ay nasa quarantine facility.


Obligado rin ang mga ito na sumailalim sa COVID-19 RT-PCR test na sagot din ng pamahalaang lokal at ang resulta ay makukuha sa loob ng 48 oras.

Kapag nagnegatibo sa COVID-19 test ay saka pa lang sila maaaring makauwi.

Para sa maayos na koordinasyon, ang sinuman na babiyahe galing sa Cebu City ay dapat makipag-ugnayan sa City Epidemiology & Surveillance Unit.

Facebook Comments