
Dalawang beses na sasailalim sa COVID-19 test ang mga uuwing OFWs sa bansa.
Ang unang rapid test ay gagawin pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng OFWs.
Mula NAIA, sila ay ididiretso sa quarantine facilities ng gobyerno.
Makalipas ang 14 na araw na quarantine ng OFWs, sila ay muling sasailalim sa rapid test.
Mismong sa quarantine facilities sila kukunan ng swab ng medical team ng Philippine Coast Guard (PCG).
Una nang naglagay ang Department of Transportation (DOTr) ng One-Stop Shop sa NAIA para mag-assist sa mga dumadating na Pinoy workers.
Facebook Comments









